Kids used to play…

9 August 2013, Dahil walang pasok napagpasyahan naming mamasyal sa Baguio. Sumakay kami ng PARTAS Bus para convenient ang biyahe. Nasa part na kami ng Bauang, La Union ng may sumakay na dalawang bata para maglako ng empanada at mais. There, I was shocked. I used to see kids na naglalako lang sa daan but not while riding on a bus. Dahil nasa harapan kami nakaupo, kami yung unang tinindahan ng mga bata. Hindi naman ako nagugutom that time pero bumili nalang ako ng empanada. Then they continue selling hanggang makarating sila sa likod ng bus then pabalik. The two kids were sitting right next to the conductor. Dahil medyo palabiro yung kunduktor at bubbly naman ang mga bata, they made light conversation.

 

Konduktor: Ilang taon na kayo?

Bata1: 8 sir

Bata2: 12 sir

K: Ilang taon na mga anak niyo?

B1: (naguluhan) Wala pa kaming anak sir. *sabay tawa

K: Wala ba? Eh bakit nagtitinda kayo?

B1: Para may baon sir. Wala naman kaming pasok sir

K: Baon? Problema na ng nanay at tatay niyo yun. Wala ngang pasok eh naglaro nalang sana kayo ng basketball.

Dalawang bata ngumingiti nalang.

 

Actually, alam ko yung pinupunto ng konduktor. Those two kids weren’t suppose to do the selling. They were suppose to play and do those usual kids’ stuffs. Pero ano? Wala ngangh pasok sa eskwela pero heto sila nagbabanat ng buto para may baon lang kinabukasan. Nakakalungkot lang isipin na sa murang edad they are now working for a living. What I’m trying to say is that, hindi pa ngayon ang tamang panahon para gawin nila ang mga bagay bagay na suppose ay matatanda lamang ang gumagawa.

 

I feel blessed dahil never akong nakadanass ng ganto. Never inisip kung may baon ba ako kinabukasan o wala. I feel sorry for the kids kasi kahit sa murang edad pa lamang naghahanapbuhay na sila whih is hindi naman tama. Pero bilib na bilib ako sakanila. Saludo ako!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s