BUZZZZZZZ

Balik awkward. Bakit ang awkward na naman? Pag tahimik awkward. So kailangan dapat palaging maingay? Badtrip. Pag siya tahimik, tahimik din lahat. Bawal mag ingay. Mahihiya kang mag ingay. Ni nga tumawa pahirapan. Aba matinde.

Cold treatment na naman kasunod nito. Minsan ayoko ng gantong tahimik. Nakakakaba. Hindi mo alam kung may nagawa kang kasalanan ng di mo nalalaman. Tipong the memo was late ang peg. Ito yung hirap sa kaibigang gusto ng perpektong relasyon. Yung nakikita sa iba kailangan meron din kami. Kailangan ginagawa din namin. Kailangan alam namin.
Kapag mga gantong eksena kahit hindi ko man gustuhin, bumabalik lahat. That time.. that line.. hindi ko talaga makalimutan yun. Tagos. Hindi ko alam kung napansin niya but I was taken aback. I was pissed. I was disappointed. Right at that moment, I was really confused. Am I not enough? All I know was she was happy and contented of what we have.

I haven’t really made something that is ‘huge’ sacrifice for her like what she read on that particular magazine. However, is it enough to compare? Oh I think that was not comparing, she was actually expecting much like I never done that and never will.

“Kasta a ti best friend” she said. That line must really be short but hey five words and it shattered me into pieces. Ikaw nga sabihan ka ng best friend mo ng ganyan sa harap mo mismo with no hesitations anong mararamdaman mo? I tried to smile that time. It was a fake smile. I tried not to show my real reaction. It was like I just heard a very funny, funny joke and because it’s so funny I forgot to breath.

Sa mga nangyaring ganyan samin, akala ko magkakasiraan na kami. Akala ko wala ng Glb. Akala ko dahil nasabi niya yung ganun, we’ll now continue to build gaps between us. Hindi ko alam kung na kanino ang problema. Sa akin ba? Sa kanya? I really don’t know.

BUT I’m glad hindi naman lumala. Kahit papano hindi naman natuloy ang mga what ifs ko. That was December after ng Christmas party sa boarding house namin. Actually hindi nga siya umattend eh. Umuwi sya agad. Hinatid ko siya. Tapos while waiting for bus sabi niya “sorry”. Tinanong ko kung bakit tapos sabi niya “basta” tapos teary eyed na siya. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano’ng ikinasosorry niya. Yun bang cold treatment niya sakin or kung narealized na niyang na offend ako sa sinabi niyang “kasta a ti best friend”. Well, I don’t know and hindi na importante yun.

Things change..

When I was a kid, people always ask me what I would be like when I grow up. During that time, my friends and I would always play office-like scenario – kunwari may computer, nagpipirma-pirmahan, maraming sinusulat kunwari sa papel at iba. I thought being in an office would make lots of money and eventually make me big in the future. Came high school and nothing change much about my dream. But college made me think way different from before. I took business management. I got professors who literally have businesses outside the academe. Sabi nila wala daw yayaman sa pagiging emplayado. Well, I kind of agree with that statement. Pero sabi ko naman that time, malay ba natin kung dun masaya yung tao. Yun bang tinatawag nilang self-fulfilment.

Fourth year. I got my internship at two different companies. One was a government agency. When I first saw the workplace, naexcite ako, sabi ko saw akas maeexperience ko na rin kung paano magtrabaho sa opisina. My first week was all new to me. Pero dumating ang ikalawang lingo ko and little by little I got bored. My supervisor always asked me to logged incoming and outgoing documents from the director’s office and have them photocopied, encoded memos, brought documents to key persons and have it signed by them and the like. That was all I’ve done on my entire internship. It’s not like I did not learn anything. It’s just that, their work seem to be routinary. Walang bago. Hindi challenging. Walang excitement. Alam mo yung feeling na imbes na naeexcite ka pagdating sa trabaho kasi you feel like being challenge? Pero hindi e. Ang mafifeel mo sana hindi nalang dumating ang umaga para hindi ulit gagawin ang mga trabaho mo sa araw na yun.

Dun nabago ang pananaw ko sa pagtatrabaho sa opisina. I am definitely fitted to be a businesswoman rather than a corporate one. I think..

 Image

Sana…

Isang araw may napagkatuwaan akong app sa facebook. Yung huhulaan ka gamit yung birthday mo. Triny ko naman. Sabi “you always daydream”. Totoo. Sa totoo niyan palagi akong nag iimagine na sana mayaman kami. Sana mayaman akong pinanganak sa mundo para mabili ko lahat ng gusto ko. Sana naging mayaman ako para nagapagaral ako sa isang magandang eskwelahan. Minsan naiingit talaga ako sa mga kaibigan o kaeskwela kong mayayaman. Tuwing binubuksan ko yung aparador ko at tinitignan ang mga damit ko, napapaisip ako na sana marami akong pera para mabili ko yung mga gusto kong damit, sapatos, bag at iba pa. Oo na. Alam ko. Ambisyosa ako. Pero ganun talaga e. Mangangarap ka nalang itodo mo na. 

Isa akong KPOP fan kaya isa sa malaking frustrations ko ay ang hindi makapunta sa mga concerts ng mga idol ko. Ni pambili nga ng album hirap na hirap na ako pambili pa kaya ng concert ticket na libo libo ang halaga?

Naisip ko ano kaya pakiramdam maging ibon? Kasi buti pa sila nakakapunta sila sa kahit saang lugar nila gustuhin. Hindi na kailangan ng passport o visa. Malaya. Pangarap ko talagang libutin ang buong mundo. Gusto kong puntahan ang mga lugar na sa mga magazines at telebiyon ko lang nakikita. 

Sana magkaroon din kami ng malaking bahay yung tipong masyon. Alam ko isa yan sa pangarap ng Papa ko. May magagarang kotse. Yung buhay na hindi na namin poproblemahin ang pagkain at baon namin sa araw araw.

I know I’m asking too much. Pero hindi ito kalabisan kung pagtatrabuhan ito at magiging bunga ng pagsisikap. Gusto ko ng magarang buhay. All my life I’m asking for this na sana ibigay ni Lord ang mga ito. Honestly, I don’t want to settle into a mediocre life. Sa totoo lang sawang sawa na ako. Gusto ko bago ko man lang lisanin ang mundo, sana maranasan ko ang mga gantong bagay. 

Hindi ako magaling sa Math.

 Oo bobo ako sa math. Mula grade 1 hanggang high school, palagi akong nasa honor roll. Ni minsan hindi ako nagmintis. Pero pagdating sa math, wala na. Everytime na papasok na ako sa math subject ko, unti unti na akong kinakabahan. Ayoko talaga sa math. Sa mga numero. Sabi nila madali lang kasi wala naman daw imememorize. Sabi ko naman, sinong nagsabi at pepektusan ko? Eh ano yung mga formulas? Aanhin ba yun? Kakainin? Ganto kasi yun. Pag nasa kalagitnaan pa ng pagtuturo, nasusundan ko naman. Yung mga example ni ma’am kering keri pa naman. Kahit nga pag nagpaexample si Ma’am nasusundan ko pa rin. Kahit board work pa yan. Pero pag quiz na, anak ng linta wala na akong nakukuha. Oo, masakit. Hindi ko alam kung sa kinulang ako sa review o hindi lang talaga naturo ng maayos yung pagkuha sa sagot. Meron pa yung konting konti nalang mamakuha mo na yung sagot. Kunwari yung sagot 11. 48 pero ang sagot mo 11. 49 hindi pa iconsider ng prof mo. Sarap maglaslas pag ganyan. -_-  Pero eto ang big time. Aminado naman ako sa simula’t simula palang basta math mababa nakukuha ko. Pero ang masaklap tatanungin ka pa ng mga kaklase mo especially yung mga karibal mo sa top 10 kung ilan nakuha mo. Ipagduldulan pa talaga. Nakakainis. Alam naman nila na mahina ako eh. Eh ano ngayon kung malaman nila yung nakuha ko? Tataas ba sila? Malamang oo. Pero ayos na din kasi ngayon alam ko ng threat pala ako sa kanila. Isa akong tinik na nakabara sa kanilang lalamunan. WAHAHAHAHA!

 

Old Posts

Hindi ko talaga ugali mangalkal ng mga old posts ko, mapa facebook man yan o twitter. Pero one time I accidentally click “2010” sa may timeline ko. Eh di syempre nagscroll yung timeline ko sa last post ko nung December 31, 2010 and then yun nagtuloy tuloy na hanggang sa recent posts ko. Grabe kung ano ano nalang pala pinopost ko dati. My jeje days. Hahaha. Tawang tawa ako sa mga jeje posts ko. May mga status din naman na seryoso tipong di ko akalain na ako pala nagsulat nun. 

OPINION

It’s been a while since I don’t talk much about EXO. I don’t spazz and posts anything about them. But yeah don’t get me wrong I’m still an EXO stan and will forever be one. Some will eventually think “Sus hindi ka totoong EXO stan tinigil mo pag support dahil lang sa nangyari”. Okay I feel you. Well, think everything you want. IDC. I have my reasons. I don’t owe you any explanations for that after all. Anyway, I remember one time I’ve read a post by tumblr follower ranting her heart out about the Kris’ issue. She’s not on Kris’ side as usual. She said lets just accept the fact that Kris is leaving EXO and move on. Sa totoo lang hinahayaan ko lang ang mga gantong comments. Kanya kanyang kuro kuro at opinyon. One Korean girl even told me face to face that she’ll be even happier if Kris will be removed from the group. Kalma lang. Opinyon niya yun e. Less talk less mistake less argue. And then just now one follower tagged me on EXO Overdose performed in M!Countdown. Noong una ayoko talagang panuorin but twas really tempting. I watch the video. I was curious about the choreo and stuffs since they will be performing it together. I was satisfied. Pero nagsisisi ako kung bakit nagbasa pa ako ng comments. And this just pissed me off.  But yeah, opinions, opinions, opinions.

Image

So sad..

You know what, as much as I want to move on from “Kris leaving EXO” mas lalo akong nalulungkot para sakanya. After the concert dahil sa mga posts, answers ng EXO members and other SM artists, feeling ko, feeling ko lang naman ha, pinapamukha nila kay Kris na “Kaya namin kahit wala ka” “Ano ka ngayon Kris? Paimportante ka kasi” “Makasarili ka kasi”. Feeling ko yan yung mga gusto nilang iparating sa madla, indirectly. For me it doesn’t matter who’s at fault or what but I really feel sorry for Kris. Naawa ako sakanya super. Totoo niyan hindi ko naman bias si Kris eh. Pero isa akong EXO stan simula’t simula palang. Ano ng nangyari sa OT12? Haayyyy

Image